Sabi mo, gagawin mo ang lahat para mas mapabuti ang ating samahan. Gusto mo akong umunlad, mas bumuti, at alam kong sa iyo lang ako mag-e-evolve.
Ngunit ito lang ang tanging paraan.
Nagtiyaga ka sa lahat ng tantrums ko, sa mga birong nakakatindig-balahibo, sa pabigla-biglang pagdila sa iyong leeg kung kailan hindi mo inaasahan. Minahal mo ako, at minahal kita.
Masakit, alam ko, ngunit sa mukhang sa iba talaga ako mamumunga, sa piling ng iba ko mararating ang aking mga pangarap, na nauna nating binuo. Gusto kong maibalik sa iyo, ngunit baka hindi na niya ako pakawalan.
Sadyang ganiyan ang kapalaran.
Tandaan mo lang sana, na kahit saan ako mapunta, ikaw ang unang nagmahal sa akin. Tuwing tumitindig ang balahibo mo, sana maalala mo ako. Sana, matakot kitang muli.
Sumisinta, Haunter