Ikakasal ka na pala. Hindi sa akin. Malamang. Kasi wala naman akong ginawa. Kahit ilang beses kong ginustong mapalapit sa iyo, nakuntento ako sa awkward space sa pagitan ng acquaintance at family friend. At sa mga *mwahugs* sa YM. Natakot ako. Sana hindi ko na lang nalaman ang agwat nating […]

Para kay what-could-have-been #2


Kumusta? Kunwari hindi kita madalas ka-chat. Kunwari rin hindi ko alam ang ginagawa mo araw-araw, kasi kinukwento mo rin naman sa akin. Kahit pamulagat pa lang ako tuwing papikit ka na. Limang minuto. Minsan higit pa. Basta marinig ko lang na boses mo at maramdaman, kahit bahagya, na nandito ka […]

Agosto Series: Telegram


Sana tayo. Kung makikita ko lang sana kung saan ito patungo, gagawin ko para malaman kung dapat ba, tulad ng sabi ni Supremo, na hamakin ang lahat masundan ka lang. Kahit saan. Hindi na mahalaga kung saan man tayo pumunta basta makainom. Ayos lang kahit mahal dahil mahal naman ang… […]

Pebrero Series: Sa(a)na tayo



Kumuha ng gulay. Tanggalin ang magkabilang dulo. Tantiyahin kung hanggang saan at gaano kahaba ang gusto mong tiisin este ang gusto mong hatiin. Kung gusto mo lang naman. Hatiin nang pahaba. Umasang di ka masusugatan ulit kahit ilang beses mo nang sinabing mag-iingat ka. Pagpatungin at tapyasin nang paunti-unti hanggang […]

Pebrero Series: Julienne


Doon tayo sa dilim, kung saan kandila lang ang tanglaw na kakaribal sa iyong ngiti. Doon tayo kung saan madaling mag-usap, kasama ng ilang basong alak para mas lalo pa akong malulong sa iyo, kung sakaling hindi pa sapat na nahulog ako nang malakas mula nang una tayong naghati sa […]

Pebrero Series: After Hours


Hindi ako naniniwalang nakasalalay sa bituin ang kapalaran ng isang tao. Madalas kong pagtawanan ang nagsasabing hindi ko matatagpuan ang pag-ibig sa ganitong taon dahil pinanganak ako sa araw na sick leave si Venus mula sa line of sight nina Saturn at Mars. Hindi ko kailangan ng baraha para alamin […]

Pebrero Series: Kutitap



Ganito ang sistema. May pambungad na “kumusta” kapag nagkikita sa umaga kahit alam kong alas-dos ka na nakatulog kakahintay sa part ng groupmate mo para sa report. Kunwari hindi ko alam, o nakalimutan ko lahat ng rant mo kagabi, o kaya nakatulog talaga ako. Pero alam namang hindi. Nandoon ang […]

Pebrero Series: Label


Di ko alam kung bakit gusto kong dilaan ang sahig at kahit anong makita ko. Di naman ako makapagtanong nang maayos. Ang huli ko na lang na naaaala, sobrang lungkot ni tatay, kaya nilapitan namin siya ni… Asan na nga pala si Alexander? Bakit galit si kuya kay tatay? May […]

Agosto Series: Nina


Gusto ko nang maligo. Pero hindi daw pwede sabi ni Itay. “Sa susunod na linggo na lang.”Wala na daw kasing tubig panligo. Eh ano yung nasa balde? Para raw sa puno ni lolo, yung tinanim niya bago inatake. Ilang buwan na siyang patay pero inaalagaan pa rin itong halaman na […]

Ugat | Agosto Series



Una. Magdeklara. Isang pangako. Paniniwala. Basta malakas na panimula. O kaya nama’y magbilang, o hatiin ang tulang walang sukat ngunit may tugma sa iba’t ibang hakbang ng paggawa. Maaaring ang unang bilang ay akma talaga sa pinagbasihan hanggang sa makarating ka sa Ikalawa. Ang kabig. Ibahin agad ang daloy ng […]

Paano mag-spoken word: tips para newbies mula sa isang hindi ...