I. INTRODUCTION A. Background of the Study Matagal na tayong magkaibigan. Parehong only child, madalas tayong pinagsasama ng mga magulang natin para maglaro. Kaso, takot ako sa babae. Hindi ako naniniwala sa cooties, pero sadyang may hiwagang bumabalot sa inyo na hindi ko lubos maunawaan noong bata pa tayo. […]
Hindi kasi ako komportableng iniipon ang punla ko sa iisang lalagyan. Nais ko itong isaboy sa hangin, itanim ito bilang katuwaan, at abangan kung yayabong ito.