Agosto Series: Correction


Ikinakalat mo palang ikaw ang nakipag-break sa akin.

Jerk.

Hindi ko na ito hahabaan, baka ma-conscious masyado ang napakaikli mong…

…pang-unawa.

15 months. Anim yung masaya, siyam yung magulo.

Ni minsan, hindi ka marunong makinig.

Mabuti pa ang halaman, kinakausap at pinakikinggan mo. Sana marinig mo yung isinisigaw nilang “diligan mo ako,” hindi yung lagi ka lang nakatunganga.

Tapos ako sisisihin mo kapag malanta sila.

Tigang sila. Tigang rin ako, sa pagmamahal na ipinangako mo.

Lanta na ang buhay sa kaluluwa ko. Kaya nakipagbreak ako. Diba?

Ilang beses kong sinabi na mag-usap tayo, para maisalba natin “tayo”. Sinasabi ko sa iyo kung ano sa tingin ko ang mali, tapos kung ano sa tingin ko ang dapat nating gawin, tapos mas pinapansin mo pang hindi pantay ang tupi sa sleeves ng jacket ko.

Priorities mo gago.

Kaya reminder, ako nakipag-break, hindi ikaw. Naturingang OC sa accuracy, imbentor naman ng kwento.

PS: Sorry, 5 times palang mas mahaba ang sulat na ito sa pinagmamalaki mong muscle.