Agosto Series: Paglalagom


Tapos na ang isang buwang kwentuhan ng mga tagpong kathang-isip.

33 kwento sa loob ng 31 araw.

Para sa mga nagtaka, ang Agosto Series ay spinoff ng taunan kong Pebrero Series, kung saan inuulan ko ng hugot ang mga katoto ko sa Multiply at Facebook base sa mga eksenang gawa-gawa at real-life love stories/frustrations ng iba. Hindi ko masyadong nagawa ng maayos ang Pebrero Series para sa 2013, kaya minarapat kong gumawa ng Agosto Series, na dati ko na ring in-attempt noong college.

Nagpapasalamat ako sa mga taong natuwa sa mga seryosong kwento at tinamaan sa mga tagpong hugot. Salamat din sa mga nagbigay ng feedback, at sa mga taong walang malay na naging prompt.

 

Ngayong opisyal nang tapos ang Agosto, nangangahulugan itong…

Malapit na ang Pasko 😀

Hanggang sa muli nating paghugot sa Wikang Filipino!