Nayakap rin kita.
Unang beses ito sa sampung taon nating pagkakaibigan. Siguro, dala na rin nang matagal nating hindi pagkikita. Dito pa, kung saan kita inabangan noon dala ang bulaklak, na nakita kitang buhat ng iba.
Hindi ko alam kung paano mo naabot ang balikat ko, pero dumampi ang pisngi mo sa labi ko. Tinulak din ng hangin ang buhok mo sa mukha ko, nanunukso. Humigpit din ang yakap mo.
Hihigpitan ko sana ang yakap ko, kaso kumawala ka. Nangiinis ang tadhana.
“Siya nga pala, boyfriend ko…”