Doon tayo sa dilim, kung saan kandila lang ang tanglaw na kakaribal sa iyong ngiti.
Doon tayo kung saan madaling mag-usap, kasama ng ilang basong alak para mas lalo pa akong malulong sa iyo, kung sakaling hindi pa sapat na nahulog ako nang malakas mula nang una tayong naghati sa shot. Hindi laway conscious dahil kahit doon lang ay nagdampi ang ating mga labi at paumanhin dahil nalulunod na naman ako sa bawat kislap dito sa ating dilim.
Dito.
Sa dilim na tayo lang ang may alam kung paano paawanin ang isa’t isa. Sa dilim na hindi kailangang magkapaan pa sa mga hirit. Sa dilim kung saan tayo nagliliwanag.