Hindi ko sinasabing I love you. Pwede siyang isa para sa tatlo. Buy 1 take 3. Isang bagay para sa iyong oras, pansin, at ngiti. Bargain. O sulit nga ba? Ano bang bagay ang bagay? Mura? Mahal? Tayo?
143.
Hindi ko sinasabing I love you. Hindi ko rin sinasabing I hate you. Hindi ko sinusumbat ang oras, pansin, at ngiti na akala ko’y sulit ngunit hindi pala. Hindi tama. Hindi akmang bigyan ng halaga kung gusto lang kitang makasama.
Dahil wala itong katumbas na halaga. Mahalaga ka.
143.
Sana sa dulo ng 143 na araw, maligaya ang ating pasko