When the hell does “you’ll get over it” begin?
Narinig ko ang awit na ‘to ng The Script kung kelan nakarating sa’kin ang balitang ipinagkakalat mo raw na sinisiraan kita. Ang tagal na nating naghiwalay, akala ko naka-move on na tayo.
*
Hindi na ko masaya. Alam kong ramdam mo ‘yon. Kaya naman kahit nagdahilan lang ako para tuluyang palayain mo, alam nating pareho ang tunay na rason ng pag-alis ko.
“Naiintindihan ko. Sana maging masaya ka.”
Gusto kong sabihing labis na ang kaligayahan ko dahil sa wakas, makakalaya na ko sa nakakasukang relasyong ‘to. Tangina mo. Pero pinili kong magpaalam nang maayos, para na lang sa pinagsamahan.
Pagkatapos na pagkatapos ng paalamanan, mas naging masaya ako, dahil alam kong wala ka na sa buhay ko. At hindi ko na kailangang magpanggap na kaya ko pang makasama ka. Puro salita, walang gawa. Puro yabang pero walang bayag.
*
‘Di ka pa rin pala nagbabago. Kaya hindi kaya ng putanginang ego mong tanggapin na masaya na ko ngayon samantalang ikaw ay naghahanap pa rin ng mabibilog ang ulo. Kaya kahit ikaw pa ang nagmalaking pumutol sa lahat ng koneksyon natin, alam mo pa rin ang bawat kilos at galaw ko, takot na takot na may sabihin akong laban sayo.
Napaka-espesyal ko pa rin pala sa’yo dahil iniisip mong ako lang ay sapat na para sirain ka sa ibang tao. Mali. Dahil bago pa man ako dumating at mawala sa buhay mo, sira ka na.
At para lang malaman mo, “long gone and moved on” na ko.
_________________________
Ang verbatim na hugot na ito ay hatid sa inyo ng isang dalubhasa sa larangan na anonymous daw muna.