Agosto Series: Para kay What Could Have Been #5


“Alam mo, nararamdaman naman ng girl kapag merong something.”

Napatingin ako sa iyo, palayo sa magkasamang naghihipuan sa ating harapan. May tulog sa tabi ko, ngunit maluwang ang tren. At heto tayo, magkatabi, naguguluhan sa likot ng mata ng isa’t isa.

Saka binalikwas ang tingin sa labas,sabay minasdan pakunwari na maging puno ang mga gusaling dinadaanan.

Rinig ang pagtama ng gulong sa riles, ang mahinang huni ng aircon, sinabayan ng cresendo ng tibok ng puso kong hindi na maintindihan ang nangyayari pagkatapos ng iyong malalim na “hay.”

“Ganun ba?”

Lumuwang ang tren, bumaba na ang kanina’y naghaharutan at ang tulog, ngunit dikit pa rin ang balikat mo sa akin, may bahagyang nginig ngunit hindi dahil sa lamig.

“Bakit kasi ganoon ang policy mo?”

Heto yung panahong gusto ko nang itapon ang gawa-gawang batas, sirain ang ginawang precaution. Gusto kitang hatakin bigla, yakapin, at tigilan ang mga araw na pasimple kong sinasamyo ang buhok mo tuwing nakikipagkulitan ka. Ngunit ayaw kitang maging strike 3.

“Tara, may trabaho pa tayo.”

___________________________

Mula sa hugot ng isang katotong ayaw magpakilala