“Hanggang kailan na lang ba ako aasa?”
Lagi na lang akong bangko. Ni minsan, hindi pumasok sa starting line-up mo. Hanggang kailan ako substitute, kung wala ka nang choice?
Masakit kasi yung akala ko lamang na, tapos may makakahabol. Kung saan-saan ka kasi nakatingin. Hindi sa akin.
Libre naman ako, ibigay mo lang ulit sa akin ang bola. Pero sa iba mo pinapasa, na tira lang nang tira, feeling tres ang dos na puntos.
Pero umaasa pa rin ako, kahit pinapamigay mo ang possession na dapat ay atin, kahit kabila ang nakikinabang sa out-of-bounds saves ko dahil doon ka nga nakatingin.
Gusto ko ng come from behind. Iyon ang masarap na panalo. Kaso puro assist ka lang sa iba, walang puntos.
O baka gusto mong tumira? Pwede naman kitang patirahin.
Co-written kasama si Nadz, mula sa hugot pitch ni BA. #UPfought