Tayo ang matalik na magkaibigan, partners in crime, judge ang bawat isa mula sa preliminary round hanggang sa grand finals ng The Search For The Significant Other.
Ngunit nagkamali ka. At ako. Napalitan ng ‘nag-‘ ang ‘ma-‘ sa ating turingan at nabago ang impit sa salitang ‘kaibigan.’
At eto tayo ngayon, balikwas sa nakasanayan. “Subok lang” pala, dahil singko ang igrinado mo sa sarili sa iyong scorecard para sa aking munting timpalak, dahil akala mo hindi ka sapat.
Kaso tama ka.
Ang Agosto Series ay kathang-isip lamang. Hindi ito hugot mula sa aking mga karanasan. Yung karanasan ng iba? No comment.