Disyembre Series: Yearender


Kamusta partner in crime? Naaalala mo, ilang taon na ang nakakaraan, sinimulan natin ang isang proyektong tayong dalawa lang ang kayang gumawa. Ikaw ang taga-disenyo, ako ang taga-hulma sa wikang nakilipaglaro sa para mailahad ang mga mahahalagang kalokohang pinaggagagawa natin sa buong taon.

Kahit Grinch ka. Grinch rin naman ako. Anong Pasko?

Kung araw-araw ikaw ang kasama ko?

Pero noon iyon. Hindi na ikaw ang ka-bumper seat ko kundi ang dinging.

May bago ka na bang tagasalin ng biswal sa teknikal? O gusto mong i-code na miss mo ako, kasi hindi ko ma-process na miss na kita at hindi mo ako miss. Baka ayaw lang mag-parse ng symbols, dahil iba ang pagtingin natin sa signs.

Malamya ang aking yearender. Puro pagmumuni sa “tayo” na nangyari sa alternate universe. Ano kaya ang sa iyo?

(Fiction)

______________________________

Trial lang muna ang Disyembre Series. Mga ficlet at non-fic vignettes tungkol sa Pasko.