Claretian Dictionary 18


6829_186833090235_2543931_n

Kasabay ng paglaho ng Multiply ang pagkawala ng legendary Claretian Dictionary. Ilang ulit itong nabago, pinagpasahan, hanggang sa narating nito ang anyong ibabahagi ko ngayon sa inyo.

Parang party member na ginamitan ng Phoenix Down.

6829_189279810235_7817535_n

Ang kopyang ito ay nakuha ko mula sa isang taga Batch Gwaping (anonymous kunwari), ngunit dumaan na ito sa ilalim ng maraming batch: parang lusutan kapag talo sa basketball o patintero, napagkatuwaan na ng lahat.

Ikinagalit ang pagkakalathala nito, at ikinatuwa rin ng iilan. Isang tunggaliang may anghang parin daw hanggang ngayon.

Muli ko itong inilalathala dahil ito ay memento ng isang nakaraang hindi maikakaila. Gustuhin man natin o hindi.

Ipinopost ko ito sa ngalan ng katuwaan, ng spoof, ng mga palatandaang maaaring hindi na ma-gets ng mga kasalukuyang Claretiano (na baka gets ng mga guro ninyong na ka-batch/generation namin. May iba rin dito na hindi ko gets).

44882_488153565235_3954522_n

Ito ay ipinopost ko na walang edit. UPDATE: Ito daw ang ‘clean’ version ng dictionary. Mananatili ang mga typo at sablay na references, pati mga taong hindi ko kilala, na sa malamang ay hindi mo na rin kilala.

Narito ang muling pagkabuhay ng Claret Dictionary

claret

_______________________________________________________________

Following the example ng mga compatriots ko, ibinabalik ko na rin ang Claretian Dictionary sa site na ito, after it’s long leave of absence. Good sport naman tyong lahat. Kinuha ko ito mula sa mga nag-edit na ng kani-kanilang mga dictionary, malinis na ito. Of course, if nais niyo, pumunta kyo sa multiply ni Joeman para makita ang dahilan kung bakit nagulo nitong listahan na ito ang Claret.

ABC – Asosasyon ng mga Bakla sa Claret

Ahas – (noun) magnanakaw ng girlfriend [o boyfriend]

Ahas – (verb) ang pagkawala ng girlfriend [o boyfriend] ng isang Claretiano
– ang pagpunta sa PROM ng may date at pag-alis ng wala

Aircon– (noun) isang bagay na nagbubuga ng init, at kung minsan ay yelo (ice crusher)

Airport – ang mga blue na upuan nung 3rd year sa harap ng office ni mr. cuya

Amplifier – isang kahon na makikita sa ilalim ng blackboard kung saan kinakabit ang mga jack ng gitara o microphone ng teachers

Angat – ung letter T sa dulo ay i-transpose mo sa unahan. un ang meaning nun

Arnis Sticks – pinaka-versatile na gamit ng mga CAT Officers.  Ginagamit itong pang-harang, pang-sindak, pamalo, at pangkapa kung may tinatago kang cellphone sa loob ng brief mo.

Assembly – kaguluhan

Ateneo – ………?

Autistic – tawag sa isang tao na ayaw magpakopya sa exam pero kumokopya naman sa iyo ng patago.

AV Center – papasukin mo lng ito isang beses sa isang taon. dito kayo panunuorin ng kung ano ano. babalik ka lng dito pag petix week at kelangan ng radyo

AVR – lugar na pag pupunta kayo dito may importanteng mangyayari. simula sa subject week, palaro, sine, sermon sa batch, pati class night. hanggang pangalawang linya lang ata ang nakikinig

BANOOB – portmanteau ng BANO saka NOOB

Bakod – (verb) ang sining ng paglabas at pagpasok sa Claret sa illegal na paraan.
– Ang mga eksperto ay kayang gawin ito sa tatlong hakbang lamang. Ang mga baguhan ay kinakailangan munang maglagay ng basurahan upang tayuan. Siguraduhing may getaway vehicle o kaya nama’y mabilis kang tumakbo upang hindi mahuli. Bag muna ang ibato upang di-malimutan. wag rin mag-iiwan ng ebidensya tulad ng polo sa lugar ng pagbabakuran.

Bakod – (noun) ang hilera ng fence sa gitna ng field at simbahan. lugar kung saan nangyayari ang pagbakod. gamitin ang dulong parte, pinakamalapit sa estatwa ni Claret, upang madalian sa pagbakod.

Ballpen – pede nang idahilan para magpakamatay
– ito ang item na pinaka talamak na pitikin.

Banana Leaf (king bbq) – pang masang kainan.. dobol rice at libreng drinks

Banana Que – Isang pagkain na inihahain sa mga estudyante kapag snack time sa retreat house.

Banyo – kung inaantok ka na o wala lang magawa lakad lakad ka muna at makiamoy sa baho ng banyo

Banyo sa Classroom – 4 lang ang pinagpala pero pedeng gawing excuse na walang klase dahil mabaho ang classroom.
– lalagyan ng kodigo at cellphone
– Pag may pumasok sa CR, malamang may nakalimutang formula sa     Physics.

Banyo sa Guardhouse – pinakamabangong cr sa claret. “CR ni goliath”

Banyo sa Gym – dito ata nggaling ang mga sakit na AIDS, hepa, dengue at bird flu noong may mga kalapati pan. pdeng magbisyo pero ingat kay buzz

Baraha – kagamitang d nawawala sa kahit anong okasyong walang magawa

Barbers – Isangtaong mahilig gumawa ng kwento

Batak – hayup sa galing. gayot

Batch Grandeur – (other names: Batch Petix, Batch Guinea Pig, Batch Malas, Thesis ni Papa Jack) Isang Batch ng mga Claretiano na nadusta, kinalimutan at kinutya ng Alma Matter Dear. Refers to any Batch na kinabibilangan ni Darren Tuzon, Javelin Magtalas, Jom Entero, etc. at the same time at the same place.

Batch Processing – pinakamahalagang gamit ng SDC sa Claret unless mahilig kang makipag-kwnetuhan. 

Bibliya – grade 4 requirement na dadalhin mo hanggang pag graduate. banal na libro sa tagal ng panahon mukhang antik na

Bidet (Sprinkler) – eto ang dahilan kung bakit masarap tumae sa Claret.
– aim the sprinkler at butt,squeeze, wipe it dry, and, viola!, clean ka na.

Blackboard – yung kulay green or kulay chalk white na board na kung anu-ano ang nakasulat. Chalk not included.

Black hawk down – sa mga football player popular. ingat lng bka makita mo nlng brip m asa puno tanging kamay mo nlng ang saplot mo

Blue Chairs – upo, kain, tulog, kwentuhan, classroom sa corridor, all purpose

Bords – Official Tagname to all members of Batch G

Bulletin board sa lobby ng admin – lugar kung saan tinitignan ng ilang mga estudyante ang larawan ng natitipuhan nilang guro

Butu/Bewtew – Isang di pangakaraniwang nilalang na maitatago rin sa pangalang Vitri.

C2 – inumin ng bayan lalo na ang MAAALAAAKIIING C2, dating 15 na naging 20 ang maliit na naging 25 na

Calamari Fritti Forti – isang putahe sa Elise Canteen na paborito ng mga Claretiano. Ang ulam na laging pinapapak ni Sonia

Canteen – marami kang makikitang nagcucuting pag PE

Card Day – hala! walang takas

CAT HQ – Tambayan ng mga CAT

CAT test – Bonus from 1 to 100 aplicable specialy sa flight AIR PO opiserrss
– Palashi’s palace
– Taguan ng mga cellphone and other illegal items

CAT time – Free time

CCC – stands for Cutting Classes Club.
– isang club ng mga tao na hindi naniniwala sa mga club

Chamber of Secrets/ (walls na malapit sa drafting rooms) – lugar kung saan matatagpuan ang ilang mga malilikhaing graffiti ng mga claretiano. dito nila ipinapahayag ang kanilang mga saloobin lalo na sa kanilang drafting teacher

Chicken Fillet – alternative food sa siomai rice

Christian Morality – kapag hindi na mapigilan ang nangyayari, Boys, ikakas niyo na lang sa pader

Claret bodybuilding gym – ingat sa mga gamit baka matetano ka

Claret logo: see TLE room corridors for details

Claret National Bookstore – bilihan sa loob ng iskwelahan ng mga bagay na sa tingin mo kakailanganin hanggang hindi pala.

Claret TV – isang programa ng eskwelahan na pinagmalaki ngunit walang nangyari

Claret School – “PANGALAWANG TIRAHAN!” para sa mga mas gusto pa sa skul kesa sa bahay

Claretiano – basta mahal mo ang Claret, dude, Claretiano ka.

Class Monitor – kaklase mong nagchecheck ng attendance daily pati na rin pag may special events.  Don’t worry kung absent ka o tardy, madali lang naman kausap ang mga Class Monitor.  Ready mo lang wallet mo.

Class Night – Isang affair sa Claret kung saan mahilig mag-Ghost hunting ang mga Claretiano sa Campus. Kasama na rin ang pagtulog sa silid-aralan o sa AVR.

Clearance – isang linggo ng pagpasok at paglalaro, kalokohan
-panahon ng bayaran ng mga freshmen’s/sophie’s night/ prom/gradball, raffle ticket, concert ticket, at lahat ng iba’t ibang pinagkakautangan sa school (except tuition) mula June – March. Gutaygutay lagi ang clearance ni class number 1.

Clinic – Eto ang hotel ng Claret. Di mo pa kelangan magbayad, may kama ka na.  Pwede nang matulog.  Dito nakikiinom ang mga katatapos lang mag-PE.  Dito rin kumukuha ng clinic pass kapag super late ka na sa klase mo after break time.

Cramming – studying pero sa gabi naman or isnag oras bago ang exam
paggawa ng isang gawain sa gabi bago ito kinakailangang i-submit

Cellphone – ang sinsabing bawal pero laging dinadala
– pinakamapanganib na sandata ni Papa Jack

Chapel – malamig

Charlie’s Angels – ang grupo ng mga gayballs ng Batch G na nasa Flight Charlie kapag CAT time.

Cheering – dito bihasa ang Batch Grandeur. Maipagmamalaki na achievement ng G.

Chem at Biology class – synonymous sa art class ng GS pero HS version lang

Christian Morality – Para sa mga claretianong hayok kas kas nyo nlng sa dingding -by ser Boni

Christmas Decorations – magandang excuse para hindi na mag klase, papayag ang teacher pag ayaw rin nya mag klase. pag wala ng magawa panuorin at sirain unte unte

Choral Elocution – isang okasyon kung saan laganap ang mga hubad na katawan ng mga Claretiano. Isang magandang dahilan para hindi magklase at ipagpatuloy ang pagppetix. Part 2 ng “Downfall of Grandeur.”

Computer Area sa Library – lugar kung saan pwede mag research o mag aral-aralan habang nagpapalamig. may 8 computer kung saan 3 o 4 lang talaga ang gumagana. ingat baka pag bukas mo ng word mag hang.
– computer area na pang reasearch na ginagamit talaga para sa friendster, online games at, paminsanminsan, sa resarch at typing

Computer lab – DOTA lang ung importante dito kaso wala na

Computer sbj. – “happy time”,”dota time during class hours”. karaniwan na paboritong subject ng mga Claretiano

Condom – ginagawang water balloon. Saluhan lang pag walang magawa.

Conduct Slip – para sindakin ang studyante, kahit na d gumagana. pede gawing scratch paper.

Conference with Parents – pag d ka pa na sisindak

Counter – Isa pang Alternative Learning Experience para sa mga sawa na sa DOTA

Counter Huli – hablutin mo ang kamay ng nanghuhuli at siya ang sapakin mo. makisakay ka na lng

Covered/Cat Walk – tambayan ng mga walang ginagawa pag PE.  Ingat lang kasi nasa may football field to, sa likod pa ng goal.  Kaya dito maraming natatamaan ng football sa mukha.

CSQC@40 – Once in a Lifetime Phenomenon kung saan ang 4th year ay 4th place noong 40th anniversary ng Claret.
amarcord llanera: Synonymous to 4-4-40

Cutie Pie – as quoted by Papa Jack, ang photocopy girl sa 2nd Floor

Cutting – Ginagawa kapag ayaw umattend ng isang pangkalahatang aktibidades.

Deadline – isang buwan na ibibigay ng advance ng mga guro..pero 3 araw lang gagawin o mas onti pa
-walang deadline ang deadliest deadline laging namomove

Definition of Terms – bahagi ng IP na naroon lamang para magka-5 points sa English

Digital cam – vain sessions; mga tulog beware. Nabalaan na kayo, pag na post pic nyo sa multi mag kape na kau

Dismissal – pinakahihintay na sandali.

DNA – lugar ng batak

DLSU – kung handa ka lang gumastos ng malaki-laki kada sem

Doktor – iisang trabaho. pag magaling ka dito kahit d ka na nagaaral kaya mo iperfect lahat ng test na itatapon sayo.

Donations – magandang source ng kick back Donut – tig-10 pesos na pagkaing binibili

DOTA – Alternative Classroom Learning Experience

Drafting Corridor – habang wala kang magawa sa paglalakad at pag pila, test mo muna tinta ng techpen o pentel mo sa mga pader

Drafting Room – ito ang room na kahit mainit ay marami pa ring nakakatulog.
– Teritoryo ni Boss Vic.
Drinking fountain – multi purpose ang mga drinking fountain ng claret; pwedeng panginom, refilling station, panghilamos, hugasan ng kamay at paa, tapunan ng mga candy wrapper at bubble gum.

Eagleman – ang mga taong may mata ng agila na kayang makakita ng mga chcks sa kahit anung layo. AKO SI EAGLEMAN!! AT HINDI KUMAKAIN NG BREAKFAST SI EAGLEMAN

Educational Field Trip – Swimming sa mga resort na may mababangis na pangalan (ex. JOJIMA o LAWISWIS Kawayan)

Electric Fan – kung mainit at walang aircon wala rin tong magagawa

Emo – emosyonal. taong mapagisa, mahaba buhok at minsan may laslas. 2/3 populasyon sa batch

Enchanted Kingdom – Isang mahiwagang CR. Masaya Tumae dito.

Espadahan/Cockfight – baklaan.

Euphorbia – Isang uri ng bulaklak na makikitang nakapaso at tumutubo sa harap ng office ni Ms. Lavara. Ang therapy ng ating SM laban sa mga kabulastugan at stress na kanyang nakukuha mula sa mga estudyante.

Evado – pag nakaiwas ka sa isang napakabilis na pangyayari

Exposure Trip – pumupunta sa mga lugar to be exposed sa realidad (ex. depressed areas, churches, bahay ampunan etc.)

Eunilane – Official Grocery ng Claret

Faculty room – lugar na bawal pasukin ng estudyante na pinapasok rin naman talaga

Family Day – Bringing of “Future Family” day

Feast Day – Petix day

Field Demo- Isang kaganapan kung saan ang mga Claretiano ay napapagsuot ng bahag o anu pa mang kasuotang Pilipino at nagsasayaw sa Quadrangle.

Fire/Earthquake drill – nababawasan ang oras ng mga subject at na popostpone ang mga quiz. Libre sumigaw at magwala. Kung gaano kabilis bumaba ang grade school, ganoong kabagal bumaba ang Batch G. Noong nagkaroon ng totoong earthquake, hindi nasunod ang drill.

Fire Extinguisher – expired na talaga last year pa ata

First Blood – sinisigaw pag may nadisgrasya sa PE.
-sinasabi rin sa isang taong naunang nakagawa ng isang bagay

First Friday Mass – pampasaya ng linggo dahil may 2 klaseng mawawala, pede rin matulog

Flowers na binibigay sa mga teacher – isang uri ng kaplastikan (2) isang magandang excuse para ibigay ang nais mong ibigay sa  teacher mong crush

Formalin – maamoy na bagay na nilalagay sa patay na palaka
– maamoy na bagay na kasama ng calamares kapag kinain

Foundation Day – Sem Break minus One Week and counting

Football Field – off limits….for display only

Foundation Day (week) – ito yung fair ng Claret. walang tao sa Claret. Nasa Trinoma, malamang.

Friendster – isang lugar kung saan maaaring maghanap ng pwedeng makarelasyon

Frisbee – Ang National Sport ng Claret

FX-991ES – calculator, requirement for passing Math in Claret.
best friend mo laban kay Papa Jack

Gateway – mall na madalas tambayan ng mga estudyante dati

Gawaing Pampaaralan – Pagpipintura sa labas na bakod ng Claret.

Gawaing Pangkalikasan – Pagbubungkal ng lupa sa Quezon Memorial Circle

Gayballs – mga pwede sa chicks at pwede sa boys; katawagan sa isang taong may ginagawang kabadingan. maaari ding 2 lalaking naglalandian

GGP – inaasahang walang quiz/ pampaputol subject

Gitara – synonymous to jamming.

Grade 4 corridor – madalas daanan twing recess at lunch dahil may chiks na teacher sa grade 4.

Graduation ball – huling gabi ng pamamaalam na may kaunti pa ring ahasan

Goma – yung Calamares sa Lawiswis Kawayan resort (kung resort nga ang tawag dun) na mahirap nguyain dahil parang goma.

GYM – pinakagustong pwesto pag PE. Pag may General Assembly ay tila impyerno at masarap ring matulog dito. Mayroong mga mainit na electric fan na binabasa lamang ang ilang piling mga estudyante. Mayroon ding CR na akala mo’y under construction prin

Haircut – pinakamahirap na pagsubok sa buhay ng isang studyante

Haircut Inspection – araw na ang lahat ng buhok ay biglang iikli ng parang himala

Handbook – isang libro na 1st to last day mo lang makikita. maraming iniba dahil sa batch G

Handouts – pinamimigay pag tamad na lahat pati teacher. isang magandang excuse para makainstant 300 mula sa magulang

Harana – nirereserba sa pinakamaganda at pinakabatak na batch bago tanggalin. Clue: G yun.

Harana/Paalam – isang programa ng mga nasa ikaapat na taon na ang mga lalaki ay nagiging babae
-practice time – palusot sa teacher pag ayaw mag-klase.

Healthy – healthy drink na, mura pa 

Hinog – tawag sa taong iba ang sagot sa tanong mong matino.

Honda TACT – ang trusty scooter ni Chief na pinanghahabol nya sa mga bumabakod.

Huli – isang larong nagbibigay ng sandaling aliw hanggang may namamasang braso na. pag tinignan mo huli ka nga. maraming istratehiyang sa larong ito, ang pinakaepektibo ay ang pag pikit.

ID – isang bagay na hugis parrisukat na may pangalan ng may-ari at may litrato nito. Ginagawang pambukas ng pintuan

Ilaw – isang makinarya para magising ang mga studyante. hindi na epektibo.

Intermission Number – usually synonymous with HATAW pero pede ring kahit na anung kanta o sayaw na naisipang ipakita ng Claret sa mga mahalagang okasyon.  Usually, mas nakakaaliw pa sila kaysa sa actual program.

Intrams – swerte na pag sununod-sunod na 3 araw, mas swerte pag pinagamit ang field
-asahang lahat ng Illegal maglalabasan at ang dating magkakaibigan ay nagigimagkaaway

Intrams Parade – Okasyon kung saan paunti nang nababawasan ang mga Claretiano dahil tumatakas ng paisa-isa. Pinakahihintay ng mga kalapit bahay ng Claret. Ito lang ang okasyon sa buong Intrams season ng Batch G kung kailan hindi inuulan

IP – sa ibang paaralan, ito ay serysong aplikasyon ng mga konseptong natutunan sa Science. Sa Claret, ito ay paligsahan sa pagalingang gumawa ng mop na maraming gamit, mga burglar alarm na hindi talaga alarm o mga radyo na hindi gumagana.

Inuman – dito nagkakasundo lahat, pero pag may nalasaing iba nang usapan yan

iPod – bawal pero maraming naka earphones

Jacket – multi-purpose clothing wear that can function such as: invisibility cloak for illegal goods, aide for sleeping, and visual aid to determine cool factor

Jheng’s Peanut Butter – Isang produkto na naisipang gawin para ituro sa Livelihood Seminar noong Exposure Trip sa East Triangle.

JMX – ang shop ni Mrs. Manalang na isa pang lugar ng mga batak

JOM 138 – ang pinakasikat na kotse na ginagamit ng mga bumabakod. Hulaan niyo kung sino ang may-ari nito

Kab Scout – may kalabaw sa dibdib

Kalayaan Ave. – Hintayan ng Jeep. Isang mahabang kalye na papunta sa Kaharian ng Claret.

Kodigo – hindi mo makikita hanggang lumapit ka ng 1 foot away

Kontrabando- Cellphone, iPod, Magazine na may mga kakaibang larawan

Koreana– tawag ng mga alumni sa ating pinakamamahal na ex-Assistant Principal for Non-Academics

Kubo – isa sa pinakamagandang tambayan sa claret dati noong 1st yr – 3rd yr lalu na kapag recess, lunch, dismissal, cutting, intrams etc. dito masarap matulog at manood ng porno. pero unti-unting nawala kasi “binagyo” daw at “binenta” para may pam”pondo” daw ang claret para sa field nitong “for display only” ngayon ay nasa retreat house ang iilan sa mga kubo.

Kundiman – kakaibang salita na pinalit sa harana. harana pa rin

Kurtina – punasan ng sipon, kulangot, dumi sa kamay, etc. “pangmasang tissue paper sa loob ng classroom”

Lanira/Palavricah– Linya ng isang Janitor sa 2nd floor

Lerma – Ang pinakamasungit at pinakamataray na Lady Guard sa Claret.

Lenovo- ang Official Computer ng Claret after the IBM Era

Level/General Assembly – sleeping time.

Library – pinupuntahan lang kapag may library orientation, kapag mainit, o kapag “gagawa” ng mga assignment at mga kung anu-anu pang bagay. bihirang puntahan ng mga claretiano.

Library Highschool – mini comp shop inside claret

Library gradeschool – tambayan ng mga nagaabang kay Ms D.

Libro – binubuksan bago mag exam, patungan ng mga tulog

Likod ng Blackboard – wag bubuksan hanggat d talaga kelangan. kahit mabaho at puno ng kung ano anong basura kasama ang mga walis, magandang taguan ng mga ilegal na bagay.

Lindol – lasalapin muna minsan lang to, pagkatapos ng ilang segundo saka magsigawan na walang pasok

Living Rosary – pagkatpos nito asahang my fire works na kasunod. hanggang ngaun d pa din namin alam kung bakit

Lobby – dahil sa liit ng campus madalas magkikita-kita lahat dito

Locker – tapunan ng basura.  Babala: maaring nakalalason
– ang higaan ng mga claretiano tuwing break time

Lola/Lolo Porn – Isang computer shop sa may kanto sa tabi ng Claret na madalas tambayan ng mga “nag-memeeting” sa Snack Bar tuwing Sabado kapag puno ang JMX at DNA.

Lost & found – lugar kung saan iniiwan ng mga estudyante ang kanilang mga gamit na wala nang pakinabang at hindi na binabalikan

Lunch – kung d ka kakain? mag sugal ka nlng

Lupa – Tapa ng Rodics na mukha daw lupa.

Magic – ang paggawa ng kababalaghan sa pag-check ng mga test paper
– nangyayari kapag ang isang maling sagot ay nagiging tama sa isang kisap mata

Maginhawa – street na kinatitirikan ng claret

Mamachoa – tawag sa “low” na “grab” na hindi mo mamamalayan.

Mang sniper – kumuha ng sagot gamit ang eagle eyes kahit 3 tao ang pagitan ninyo

Manong Oliver – isa pang nagbebenta ng isaw
– MC minus food poisoning risk plus extra costs

Mapua – Claret Makati and Claret Intramuros

Marble Tables – madalas na kainan at tambayan ng Claretiano kapag break time.  Ingat lang baka bombahan ka ng ipot ng mga ibong umaalialigid, o di naman kaya ay mahulugan ka ng higad.

Maria Ozawa – role model of the female

Math Book – dalawang kilong libro na dinadala para magmukhang matalino at kumita ang Claret ng 600 pesos.

Math at Physics Book – target ng mga namimitik dahil mahal pag binenta sa morayta lalo na pag brand new. 1/4 lng ata ng batch g ang naka bukas o ginamit ito.

“may piso ka?” – mga katagang araw-araw mong maririnig sa isang taong nanghihingi ng pera kahit may piso naman siya

MC – Mang Cesar’s Isawan. {Emphasis: Hindi ito Miriam College}
– Eco-friendly establishment which practices “recycling” of food

McDo Matino – Tambayan ng Claretiano kung madaming tao sa KFC

Merit at Demerit – paraan ng para imanipula ang mga studyante.

Mezzanine – kuta ng “claret tv”, mag-ingat at baka ikaw ay mauntog

Mirror – isang bagay na inaamag sa banyo. Dahilan kung bakit laging nasa banyo ang mga Claretiano

Morning ceremony – pinaka-ayaw marining tuwing umaga dahil magsisimula na ang buong araw, oras kung saan nakatayo ang “Koreana” sa tabi ng flagpole at nakatingin sa 5th Floor imbis sa watawat ng Pilipinas.

Morning Inspection – isang dahilan kung bakit maraming nallate na Claretiano. Mahaba ang pila kapag 6:55 na.

MRS/Blue Room – Studio kung saan nageensayo ang mga banda ng Grandeur. Lugar kung saan lumalabas ang creative juices.

Ms. D – sabi sa survey ng sexiest woman in claret sya ang top 1.

Music Room – teritoryo ni maestro. [note: masarap kutkutin ung soundproof na padding kapag bored na bored ka na.]

My Immortal Beloved– Pelikula na pinapanood ni Maestro sa mga estudyante na puno ng maalindog at hitik na hitik na sex scenes

Mystery Fruit Salad – Isang panghimagas na inihahain sa mga estudyante bago umuwi galing sa retreat/recollection. Pinaniniwalaang may pakwan na naglalasang papaya at saging na maasim.

Narnia – Ang simpleng pagtuhod sa tuhod ng isa pang kaklase. Wala lang, mukha lang tanga kaya nakakatawa.

Neozep Drowzee – maraming humihingi ni2. siguradong tulog ka sa classroom

Noisy and standing – isang magandang excuse para magsulat sa blackboard ng kalokohan.
– isang paraan ng paghihiganti sa iyong kaaway noong grade skul. ang parusa pag nasulat ay minus 5 sa conduct

Notebook – isang uri ng sandata. pupunit ka ng isang page at ibabato mo. o kung galit ka ibato mo n ung buong notebook

November– Simula ng paggawa ng mga misteryo sa mga silid ng Claret. Panahon ng maagang pagdilim

Nutrilicious – mas may “class” ang dating mo pero kawawa ka sa dami ng makikiinom

October – buwan ng Foundation Day. dito lamang ang Claretiano sa ibang school. early sembreak.

OHP – Overhead Projector
– Never present, always lost

OHP (2) – isang kagamitan na ginagamit para iprojekt ang mga acetate sa white board. may isa bawat klasrum pero laging nawawala. binubuksan at pinagtataguan ng iba’t ibang gamit. pag sira wag isaksak.

On the job training – isang proyekto na pambawi sa bagsak na grado sa chem o physics. kinakailangan lang ng tao na bihasa sa pagpirma

Paalam – Huling hirit ng mga Senior bago sila umalis.

PAASCU – isang kaganapan na bigla ang lahat ng estudyante ay tumatalino, ang eskwelkahan ay biglang lumilinis at ang bawat kasangkapan ng paaralan ay gumagana

Pad papers – ilang quiz at activity pa lng ubos na, ipakita at own risk

Paggawa ng project sa bahay ng kaklase – Isang group meeting na laging nauuwi sa medal of honor, inuman, pagppsp, paglalaro, pili na lang kayo ng isa

Pahiram – (verb) pagsinabi ito, asahan mo nang di babalik sa iyo

Pakyu – Claretian greeting meaning hello at kamusta na in one word. mag PAKYU ka rin para mag hi

Pame – yung all girls school sa likod ng Claret.

Paniningil – pinakamahirap na gawain ng teachers, dahil minsan ay 3 months na after ng deadline of payment ng grad ball tickets, concert tickets, etc. ay hindi parin bayad ang klase

Panyo – all purpose na kagamitan, pamunas uhog, kamay, mukha, lalagyan kodigo at minsan nagiging panglinis sa CAT

Paper Airplane – pagandahan, pabilisan, palakihan saka itapon sa bintana wag lng pahuli

PCB – ang pinakamahalagang proyekto sa 2nd Year TLE

PE – Playing Education
– Hide and Seek with the PE Department
– Petix Education

PE uniform – damit na sa kahit saan pede isuot. nagiging pamunas, unan, kumot, at pag wala naman nagiging white t-shirt o intrams, uniform na lng ang suot.

PEHM book – ang librong ito ay nabubuksan lang ng apat na beses sa isang schoolyear: tuwing araw bago mag PE exam

Periodic Exam – Half day. pag mas maaga natapos mas iikli ang pasok

Periodic Test – walang mahirap sa claretianong maabilidad

Petix – state of perfect happiness
– state of doing something while doing nothing

Photocopy – kung saan ang isang kopya ay nagiging 1 peso and 50 cents imbes na piso kapag isa lang ang nagpaxerox para sa klase

Picha-pichapay – boxing claretian way. pag ntalo ka maraming uupak sau

Pinto – mukhang bukas at sira lng pero sa kamay ng propesyonal nagiging isang armas. nagpapa cancel ng mga klase, quizzes, o kung bad trip ka lng ihampas mo at kung trip mo makipaglaro ka ng hilaan hanggang matanggal ang pinto

Pitik – [Verb] Aplikasyon ng prinispyo ng finders-keepers sa mga bagay na hindi nawawala

Plate/Performance Test sa Drafting – major commodity for sale na nagkakahalaga ng P50 – P500. In demand kasi lalo na pag araw na ng submission.

Playball – dito kukunin grade mo sa PE …ata?

“Please don’t leave your bags here” – sign sa may gate 1 na sinasabitan ng bag.

Prayer – ginagawa para magising ang mga studyante

Pre-Calculus – known as “the shit of our lives”

Prep Playground – Pinageensayhan ng hataw at kung saan masarap tumingin ng magandang instructor ng taekwando.
– lugar na minsan mo lng maaapakan hanggat d ka hataw. built in foam para pag may tanga na nagkamali sa hataw, malambot ang babagsakan

Project meeting sa sabado– isang palusot sa magulang para maglaro ng dota kasama ang mga kaibigan

Props –  ang favorite role ng mga students pag may presentation.

Prunes – malaki at maitim na utong na nangulubot dahil sa pangaabuso ng mga GB ng Batch G

PSP – pangTekken at pang NBA pag walang ginagawa

PUTA,TANGINA,PUTANGINANG YAN, AMPUTA, POKENANGINA, PUTEK – common word ng mga claretiano. every 2 seconds mong maririnig ang mga salitang ito.
(used in a sentence): Putanginang yan pare puta tangina bagsak ako sa pokenanginang test sa math putanginang yan amputa!

Quiz – depende sa teacher kung ma sisindak ka o hinde. Kung hindi ka pa nakakapag aral may homeroom pa

Radar – kakayanan ng isang Claretiano na sumagap ng mga sagot na dalawang metro o mahigit ang layo sa kanya

Radyo – sistema ng balitaan sa Claret kung saan nalalaman ng Claretiano ang sagot sa mga tanong sa exam bago ito itanong sa kanya.

Random Drug Test – Random test na kinukuha ng lahat at random times para walang pasok

Razor – 1 out of 10 me dala

Recess – salo salo ng mga may dalang baon

Recorder – Talento ng mga Claretiano. Circa 2002

Red Fox – Tambayan ng Batch G nung review nung 3rd year lalo na pag tinatamad na mag review!

Red Stairs (Sala Building) – Daanan ng mga guro. Bawal ang mga estudyante (kuno)

Red Stairs (Xifre Building) – Pinaniniwalaang may mumu. Wag aakyatin kung gusto mo pa mabuhay ng mapayapa.

Rehearsal – matino ang pinapakita. pero pag andyan na ang performance asahang malayo sa rehearsal. lahat ng bawal ipapakita.

Rehearsal/Practice day – walang klase

Renato– pinaka kalog na janitor. namamakyu din.

Reply Slip – scratch paper na may bawas daw sa grade pag d mo pinasa

Retractable Ballpen– isang bagay na mawala lang sa kamay mo ng isang segundo ay nasa kaklase mo na

Retreat – 2 araw na libreng pagkain, pagdadala ng illegal na bagay, makitulog sa kaklase.kung makasalanan ka wag ka magalala d ka masusunog; parati sa walang sawang retreat house ng Claret ginagawa

Review – paghawak sa libro kahit di binabasa na ginagawa everytime na may exam
– refer to cramming

Ronda– isang katawagan para sa pagtambay sa eskwelahan sa likod ng claret

Rondalla – Isang hybrid ng Harp at Gitara. Paboritong instrumento ni Maestro

Rubber Stopper – rubber sa paanan ng upuan na pag wala na talagang magawa, itapon sa bintana at palayuan kayo

Rubik’s cube – may 2×2 3×3 4×4 at 5×5, nakakaadik, kahit ano dyan sa 4 kinokompis

Sabaw – state of being asleep while being awake
– nagyayari kapag ang utak ay hindi kinaya ang teacher

Sando attack – nauso nung 2nd year. magiingat. pag nahawakan ka uuwi kang wlang sando. nagkakaso ang marami ng nagsumbong ang janitor na maraming sandong nsa basurahan

Scarsity – nararanasan ng mga Claretianong wlang pera

School bus/van – dakilang transpo for field trips, play etc.

Science Lab – lugar para magising ang mga studyante sa paglalakad pababa. papasok, magpapainet saka lalabas ng gutom

SDC – (kwarto ni jay quintos) tambayan, taguan rin ng gamit..

Segway – kailangan pa bang iexplain?

serbisyo – masahe

“Set-up” – sinasabi ni Mr. Victorino pag simula na ng klase

Snack Bar – favorite meeting place ng mga Claretianong mag-me-“meeting”

Shotgun – ang sining ng pagsagot sa multiple choice questions na hindi ginagamitan ng utak. ang pinakasolusyon sa ACET, at kahit ano pang college entrance exam

Signal No.2 – walang pasok

Siomai Double Rice – eto ang Claretian lunch. Isa sa pinaka affordable na meals sa canteen noon. 4 na siomai at dalawang rice.

Skwater – (adj) tawag sa taong ayaw kang pagbigyan sa kagustuhan mo. Killjoy. Walang pakisama

Soya milk – common alternative for C2, with better chances of causing bowel movement

SSS – Sabaw, sabog, sebo

St. John with Fluoride – official drink ng Claret. The only drinking water with fluoride!.
– Patron ng mga nauuhaw sa Claret, kaya sa kanya dumudulog kahit  saan man mapadpad ang Claretiano

Stairs – Keep right. kahit anong mangyari, wag na wag hahawakan ang handle dahil meron itong koleksyon ng laway mula sa iba’t ibang henerasyon ng mga Claretianong dumudura mula 5th floor.

STC – may mga nagwagi ngunit maraming nasawi

Stir – iwanan

Street Dance – Isang pangyayari kung saan ang mga gayballs ay nagiging agila na iba’t iba ang kulay o nagbibihis Hataw.

Studying – pagdedelusyon na kaya mong matuto kapag ikaw ay nagbasa ng libro maghapon.

Surender – pag ayaw mong kunin ang cellphone mo sa end ng skul year pag nahuli. kaya surrender mo nlng.

Surprise Inspection– natataranta ang lahat. tanging solution tago lahat ng Cellphone sa CAT office.

Table – mas malaking tulugan

Take home assignment (ano to?!) –  isang malaking kalokohan. Walang sa diksyunaryo ng mga claretiano ang take home assignment. Lahat ng assignment ay ginagawa sa umaga kasma ang buong klase. pwede pa take home ang kasama pero hindi ang assgnment

Tanglaw – the official publication of Claret School of Quezon City. Tambayan ng mga Batch Grandeur.
– requirement for graduation [Note: hindi ito pamunas sa CR kapag wala kayong tissue, pero ung iba *ehem*]

Take down – wag kang dadaan sa gitna kasi ng coridor. kung ayaw mong matake down

Taranquilla/Lamyerda – Ang pagrampa sa corridors ng mga GB

Team– magkasama sa hirap at ginhawa. Sa longtest at periodic test. Maski sa office ni Ms. Lavara!

Teamwork – the mass application of radar and radyo na ginagawa ng maramihan lalo na kapag tamad ang proctor

Test papers – pamunas na ng pwet kapag bagsak.  Hindi na nakikita ng magulang

TGIS – Tiis Gutom Ipon Salapi. kadalasan ang mga nag TGIS eh ung mga taong madalas kung makikain at humingi ng baon.

tidbits – maliit

Tinidor – dala ng mga wlang baon.

Tigang – sabik na sabik o init na init

Tigidong- National Anthem ng mga GB

“To all students: you are not allowed to pass this way/area” – ang sign na nakalagay sa stairway sa may principal’s office. Pinakahindi sinusunod na sign sa buong Claret. wala na yun nung huli daan ko doon. ginawa nang souvenir.

“To stairway exit” – Sign sa mga stairs. hanggang ngayon hinahanap ko pa rin yung “To stairway entrance”

Tongits – isang uri ng sugal kung saan marami ang yumayaman at marami rin nabubutas ang bulsa. na kadalasan ay nababaon na sa limot ang mga utang

Tower of Hanoi – Isang laro na madalas pampalipas oras noong 2nd year. Ang mga discs ay nagiging frisbee

TriNoma/The Block – bagong tambayan ng mga tao dahil mas malapit ito kesa sa gateway

TV – yung bagay na naka-on lang pag NBA finals, NBA all-star, news na walang pasok, at kung may nakakaantok na panonoorin sa isang subject. alam mong panahon na ng Petix kapag maghapong nakabukas ito.  Masaya rin manood ng Dora the Explorer kapag 6am ka dumating sa school.

Ulcer – Makukuha mo pag umorder ka sa Snackbar

Ultimate – Usong ginagawa noong 2nd year to 3rd year ng batch G. Ito ang pagbili ng 3 – 4 na siomai-rice at tatadtarin ito ng sandamakmak na Chilli.

Underworld– Patraydor na pagbigay ng lowblow. nauso pagkatapos ng narnia

UP – “I did my best, but I guess my best wasn’t good enough….”, So close yet so far.

Upuan – minsan kulang, minsan sobra, minsan butas, minsan marumi pro laging tulugan

UST – Claret Espanya

Utong – parte ng katawan na kinagigiliwan paglaruan lalo na tuwing 10 seconds

Utot – masayang pasabugin lalo na kapag tahimik ang klase o di kaya’y math period

Valentines day – isang araw ng basagan ng mga puso.  Silent New Year.  Daming nagpapaputok.

Vendors – maliit na mga tindahan sa labas ng claret sa tabi ng simbahan. Dito nakukuha ang mga props na baril na ginagamit sa presentation, dito rin nauso ang gagamba, pop-up balloon, pekeng Yu Gi Oh at Pokemon cards at marami pang iba.

Vigan Chairs – Isang hilera ng mga bangko na may gulong na makikita sa may walkway papuntang Central Lobby. Dito iniiwan ng mga estudyante at soccer varsity players ang mga gamit nila at madalas ay may nawawala na kapag binalikan na ang mga ito.

Walis at Daspan – nagiging lightsabers kapag CAT time.

Water Dispenser – (noun) isang aparato na nagpapainit at nagpapalamig ng tubig. nakalagay ang mga salitang “hot” at “cold” pero puro mainit lang na tubig ang binibigay

Xerox 
– Photocopy machine sabi ng mga english teacher.

1 rice at libreng sabaw – kapag desperadong kumain at limang piso lang ang pera

5th floor – peyborit plor ng mga masyadong emosyonal sa buhay…

10 peso meal – ito ang pinakamurang pagkain sa Claret
– Isang kanin, isang sopas mula sa Paul’s at isang gulaman
– Claretian Blowout

10 seconds – sa loob ng sampung segundong ito ay mawawala na ang iyong buong pagkatao, mag-ingat dahil WALA kang talagang kawala
-sampung segundong pangmomolestya sa iyong maselang bahagi. wag ka nang pumalag,masasaktang ka lang.