Hindi kasi ako komportableng iniipon ang punla ko sa iisang lalagyan. Nais ko itong isaboy sa hangin, itanim ito bilang katuwaan, at abangan kung yayabong ito.
Kasabay ng paglaho ng Multiply ang pagkawala ng legendary Claretian Dictionary. Ilang ulit itong nabago, pinagpasahan, hanggang sa narating nito ang anyong ibabahagi ko ngayon sa inyo.