Naalala mo pa ba?
Dito tayo naupo noon, sa ilalim ng naghihingalong lampost. Lagi tayo dito kapag hapon, bago kayo lumipat ng village. Pero dahil abala ka, gabi na tayo nakapunta sa ating munting tambayan malapit sa clubhouse.
Pumutok ang ilaw, at sinabayan mo ang dilim sa pagyakap sa akin.
At unti-unting dumampi ang malamig mong labi sa pisngi ko. Tinupad mo ang pangako mong bumalik sa aking 13th birthday, kahit sinabi ng magulang mong matagal ka nang pumuntang langit.