Agosto Series: Pitik


“Tulungan mo ako…”

Nangangatog ang boses niya sa telepono, umiiyak. Matagal mo na siyang hindi nakikita, pero kilala mo pa rin ang kaniyang tinig.

Siya na nangakong muli kayong magkikita balang-araw.

Sakay ka ng jeep, sa likod mismo ng driver, sinisiksik ng tatlong balyenang may mga bayong sa gitna. Eto ka, alalang-alala kung bakit bigla siyang napatawag, bakit humihingal siya sa kabilang linya.

“Nasaan ka? Anong nangyari sa iyo? Pupuntahan kita, huwag mong ibababa ang phone.”

Traffic sa U-turn slot. “Hinahabol nila ako, nandito ako sa…”

Biglang may pumitik ng telepono mo mula sa labas ng jeep.