Agosto Series: Malamang


“So gusto mo palang maging officially tayo?”

Gago ka, anong akala mo sa akin? Lifetime fling? Para malagay mo sa profile mo na “It’s complicated” pero ikaw naman talaga ang nagpapa-complicate ng mga bagay-bagay?

Sinagot kita kasi gusto mo akong maging girlfriend, hindi ganito.

Hindi tayo halamang nagdidiligan kapag tigang.

Ilang taon na ba tayo? Kumbaga sa landform, narating na natin ang plateau.

Teka, correction. Nasa plains tayo. “No great changes in elevation.”

Kaya tama na.