Sa tulong ko, makakalipad ka.
Dadalhin kita sa malalayong lugar, sa mga lupaing sa libro mo lang nakikita. Papagaspas lang ako sa iyong likod, hanggang sa mapagod ka.
Ikabit mo ako sa iyong likod, maaari ring sa leeg. Tapos talon, at tutulungan kitang maabot ang mga ulap, malayo sa mapang-aping mundo, tungo sa paraisong walang mananakit sa iyo.
________________
Mula sa salitang iminungkahi ni Ivy Andrada