Agosto Series: Palihan


Nakakamiss ang palihan, yung constructive basagan ng akda para mapabuti ang istilo, ang boses ng salita, ang kaluluwa ng likha. Madalas na lang kasi manghula: Tama ba ang nagawa? Ano ang naging kulang? Pinalusot na lang ba? Obligatory smiley or like na lang ba ang basehan?

Kaya minsan nami-miss ko ang UP, kung saan madalas ang basagan ng pinaghirapan, kahit mas marami ang mema lang. Natututo kang magkabit-kabitin ang akdang niyurak ng iba.

Parang kamaong paulit-ulit sinapak sa pader hanggang sa madurog ang mga buto tapos hinayaang maghilom para tumibay.

Parang Kintsugi, napapaganda ang basag na ceramic sa tulog ng ginto.

Parang ako, at ikaw. Basagan habang nagmamahalan.