Agosto Series: Pagpipigil


Pakawalan mo na ako.

Ilang araw mo na akong ikinukulong. Ilang araw ka na ring hindi maayos. Kahit alam nating pareho na walang saysay ang iyong pagkikimkim, pinatatagal mo lang ang iyong pagdurusa.

Handa na akong lumayo, lumisan, alam kong hindi na ako makabubuti para sa iyo. Kailangan mong maunawaang hindi habambuhay ang ating pagsasama.

Nagsusumamo akong buksan mo ang iyong loob, at hayaan mo akong kumawala, hayaan mo akong malaglag sa iba, sumisid sa hindi kasiguraduhan upang matahak ang daang tungo sa aking paglaya, at ikaw, para makamit ang ginhawang dapat mong maasam.

Dahil hindi ako ang una’t huling dadaan sa iyo. Kailangan mong matutong bumitaw para may pagsidlan ang iba sa iyo.

__________________________

Ang entry na ito mula sa iminungkahing hugot ni Suzette Dalumpines.

PS. Maraming salamat kay Mandy Fernandez para sa pagwawasto 😀