Agosto Series: Cognitive Dissonance


Talo ang Gilas.

Panalo Pilipinas noong Biyernes, noong huli tayong nanood ng live. Wala nang Patron ngayon, Gen Ad na lang ang nakuha. Hindi rin gold medalist ang Pilipinas sa FIBA Asia Championship, tulad ng gusto. Silver medalist na lang ang nasungkit.

Pero pasok pa rin sila sa FIBA World Cup.

Hindi na pisat ang kamay ko sa panggigigil mo, pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak mo, na unti-unting naging yakap. Bittersweet.

Nanalo ang Iran, pero may medalya pa rin ang Pilipinas.

“Talo tayo,” sabi mo. “Pero panalo pa rin ako ngayon, sa iyo.”

Pwede na rin.