Agosto Series: Tipa


Pumasok siya sa kwarto, nilapag ang drum sticks sa kama.

Apat taon na siyang tumutugtog, sa likod ng mga kabandang laging nasa harap ng music videos, photoshoots, at concerts. Habang tumatalun-talon ang mga kitaristang kasama, mag-isa siyang humahampas.

Siya lang kasi ang marunong mag-drums sa kanilang magkakaibigan. Sandali lang daw, hanggang makakuha ng kapalit. Hanggang sa napunta sila mula high school fairs tungo Sunken Garden, features sa college paper hanggang sa magazines.

Naglakad siya papunta sa family room, umupo sa harap ng grand piano. Nangapa. Saka tumugtog ng Yiruma.

Malayo sa kaskasan ng gitara, sa basagan ng eardrums sa tabi ng speakers, nasa bawat tipa ng daliri kaniyang tanahan.

“Ito ang gusto ko.”