Hindi na naman kita nakausap.
Alam mo yung marami na akong naisip na topic na pwedeng pag-usapan, mga saktong pang-small talk lang, kaso wala? Dinaga. Hinayaan kitang umupo sa tapat na bench, nakangitian, tapos nagkunwaring nagsusulat, at pinanood kang umalis.
Lagi naman tayong magka-chat. Kung anu-ano pinagkukwentuhan natin. Palibhasa computer mediated communication.
Naglakad ka palayo, ni hindi ka lumingon. Di bale, mamayang gabi na lang ulit online.