Agosto Series: 40 seconds 1


May napulot siyang kwaderno: maitim, mukhang mamahalin, puting de-linya ang papel, at wala pang sulat. Dali-dali siyang umupo sa isang sulok, sinulat ang pangalan ng crush bago ang sa kaniya.

“Masubukan nga ang FLAMES.”

Saktong daan ni ni crush, nakatinginan.

“Uy, ang ganda ng notebook ah! Patingin nga?”

Ngunit nahawakan na agad crush ang kwaderno bago niya ito naitago. Napapikit na lang siya…

At napamulat sa tunog ng iniirog na naghihinagpis.

Inatake sa puso si crush.

Biglang nanuot ang matinding kirot sa kaniyang puso, napaluhod sa kinalagpakan ng sinisinta, hinawakan ang kaniyang kamay.

Magkasunod silang namatay

_____________________________

Pagpupugay kay Jami Chan para sa tumpak na pagtukoy ng inspirasyon ng kuwento pagkatapos itong basahin. 😀