“Girl, matagal ko nang hindi nakikita yung ampon mo ah. Ang pogi pa ng napili mong kupkupin! Mag-i-isang taong gulang na siya diba?”
Naguguluhan ako. Ano ang pinagsasasabi niya? May bata bang kung maglakad ay parang hayop, at mahilig sa gatas?
“O siya, hindi na ako tutuloy. Mukhang tulog ang anghel mo. Paalam?”
Sinong bata? Pusa ang mayroon ako. Pusa lang. Madaling palitan tulad ni Crispin. At hindi bagay yung graphic sa base color ng damit ni Mare. Sino ba nag-disenyo nun?
Bakit may masama akong kutob?
Nasaan na ang flash drive ko?
Sinabit ko ba kay Basilio?
O tinangay ni Crispin?
16gb pa naman iyon.
Crispin?
Basilio?
_______________________________
Ang ‘Sisa’ ay karugtong ngĀ ‘Basilio’