Agosto Series: Bula


agostoseries-thumb

Tumingin sa aking mata”

Matagal rin tayong hindi nagkita, mula noong sinabi kong may nararamdaman ako para sa iyo.

“Magtapat ng nadarama”

Sana hindi ko na lang sinabi. Sana rin hindi ako nakainom noong gabing iyon, nang ihinatid mo ako sa amin. Sana hindi kita niyakap, biglang hinalikan, at sinabihan ng “I like you,” edi sana hindi nanlaki ang mga mata mo at hindi ka umalis agad-agad. Dahil kailangan kita sa tabi ko.

“Di gustong ika’y mawala”

Ang tagal mong nawala. Tapos sa muli nating pagtatagpo, nagmamadaling pagtanggi ang salubong mo. “Wala naming magbabago,” pangako mo. Pero alam kong maraming nagbago sa iyo, sa atin, sa pagtingin mo sa akin, dahil mayroon akong pagtingin sa iyo. Tulad ng bigla mong pag-alis noong gabing iyon, alam kong bigla kang mawawala.

“Dahil handa akong ibigin ka”

Dagil hindi mo ako iibigin.

“Kung maging tayo”

At hindi magiging tayo. Pero kahit papaano,

“Sa iyo na ang puso ko”

_____________________
Ang mga italicized phrases ay hinugot mula sa “Sa’yo” ng Silent Sanctuary galing sa kanilang bagong album na Monodramatic,