Sabi mo “I won’t settle for anything less.”
Hindi lang naman via UPCAT ka makakapasok sa UP. Ilang beses na nating napag-usapan ito, pinag-aralan ang iba’t ibang posibilidad para maging Iskolar ng Bayan ka rin. Dahil alam kong kaya mo.
Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi ka na tumuloy. “Kuntento na ako dito,” sabi mo, na parang “kuntento na ako sa kaniya” ang labas. Ni hindi kita masalubong sa Katipunan, maasar na lumalangoy palabas ng school kapag umuulan, o mabanatan ng Green (and white) jokes. Dahil sa kaniya.
Siguro higit pa sa nanindigan akong mas bagay ka sa UP, alam kong mas bagay ka sa akin. But you settled somewhere less to be with someone else.
______________________
Ang Agosto Series ay koleksyon ng mga maiikling kwento na tinatawag ding ficlet o dagli. Dahil Buwan ng Wika, umiinog ang koleksyong ito sa akdang sinulat sa Filipino.