Tatay


Mas kabado pa si tatay pagsakay nila ng jeep. Paulit-ulit na nilalapirot ang perang papel sa kamay habang hindi magkamayaw sa pagmasid sa paligid ang kanyang mga mata.

Nanginginig.

Nasasabik.

Sinong magulang ba ang hindi mangangamba? Unang araw ng anak niya sa unibersidad, pero parang siya ang sasabak sa freshmie orientation sa kaba.

Bumaba ang mag-ama patungo sa likuran ni Oble. Nalaglag pa ni tatay ang kanyang bag. Simula pa lang ng buhay Iska ng kanyang anak, at dapat nang masanay si tatay sa pangangamba.

Based on an actual scene at the UP-Philcoa jeep I boarded on June 14, 2011. Originally posted on Tumblr.