Pebrero Series: Sa Ngalan Niya


Hindi mo na ito naaalala, pero mahirap itong kalimutan.

Sunken Garden.

Sinabi mo ang lahat ng pwedeng sabihin para hindi masyadong masakit.

Pero kahit anong salita ang gamitin mo, isa lang ang bottomline.

Basted.

Lagi mong nine-name drop si Siya. Si Bro. Si Big Dude upstairs.

Pagkatapos ng dalawang linggo, ibang “siya” pala ang dahilan. Ibang “bro” ang kasama. Ibang “Big Dude” ang kayakap.