Pebrero Series: Kutitap


Hindi ako naniniwalang nakasalalay sa bituin ang kapalaran ng isang tao. Madalas kong pagtawanan ang nagsasabing hindi ko matatagpuan ang pag-ibig sa ganitong taon dahil pinanganak ako sa araw na sick leave si Venus mula sa line of sight nina Saturn at Mars. Hindi ko kailangan ng baraha para alamin kung ano ang dapat gawin at umamin sa sarili ko na tanggap kong kailangan mong sumangguni sa kalangitan ang sagot sa tanong na maaari ba.

Mahirap manghula. Pero sigurado ako,