Agosto Series: Stocks 3


Hindi kasi ako komportableng iniipon ang punla ko sa iisang lalagyan. Nais ko itong isaboy sa hangin, itanim ito bilang katuwaan, at abangan kung yayabong ito.

Ayokong pagtuunan ng pansin ang iisa, lalo kung hindi ito lalago. Baka nasa iba ang pag-usad.

Baka nasa mga iba.

Dahil gusto ko maranasan ang lahat ng pwedeng maranasan habang tama pa ang market value nila. Gusto ko mag-diversify, short time, mataas ang risk.

Hanggang sa dumating ka.

Nabago ang lahat. Mas gusto ko na ng long term investment. Through gains and losses, til market collapse do us part.

_____________________

Maraming salamat kay Joshua Mark Dalupang para sa tulong na mabuo ang hugot na ito