Agosto Series: First Love 1


Dahil lahat, mayroong “ikaw”.

Ikaw, na binabalik-balikan sa gunita tuwing nasasaktan, tuwing iniiwan. Ikaw, na nilagay sa mataas na antas ng pagtingin dahil minsan sa aming buhay, ikaw ang naging pamantayan.

Ikaw ang dapat magapi, ikaw ang dapat higitan, ikaw ang mukha ng balikat na tinatangisan.

Sa lahat ng happily ever scenarios, ikaw ang default character.

Isa kang constant.

Ikaw ang default imaginary significant other na mahirap iwaksi sa isip, sa puso.

Kahit gaano ka katanga.

Kahit ako lang ang umaasang bubuti ka pa.

Kahit iba ang kasama mo.

Kahit katiting.

Umaasa.

Baka.

_______________________________
Hugot habang nakikinig sa personal favorite na First Love ni Utada Hikaru.

[Live] 宇多田ヒカル – First Love(今のわたし NHK-G 2011.01.15).ts from Bedwin on Vimeo.