Agosto Series: Scientific Method (Version 2) 1


Dahil try and try until you succeed.

Review of Related Literature: Sinubukang ilabas ang honne ng subject sa pamamagitan ng alcohol, ngunit bigo ang eksperimento.

Problem: Gusto mo siya, at gusto mong malaman ang kaniyang saloobin.

Hypothesis: Gusto ka rin niya, at sasabihin niya iyon kapag malasing siya.

Experiment: Gamit ang isa pang kaibigan of the same gender ng iyong target, lasingin ang subject para malabas ang honne. Dapat ka-close ng iyong assistant ang subject, para mas madali nitong marating ang paghuhubad ng tatemae

Observation A: Si assistant ang unang nalasing at nakaabot sa honne. At gusto ka niya.

(Sa alternate reality)

Observation B: Si assistant ang unang nalasing at nakaabot sa honne. Gusto niya ang inyong subject, na gusto rin pala siya. At nagsimula silang magparamdam ng matinding pagtangi sa isa’t isa sa iyong harapan.

Conclusion: …