Agosto Series: Dimples


Di ka naman gwapo. Pero leche, tinamaan pa rin ako.

agostoseries-thumb
Meron kang agimat: ang patibong mong dimples na gusto ko sanang sundutin tuwing nagpapa-cute ka. Hindi ko alam kung effective o hindi, kasi hindi ka talaga cute kahit anong gawin mo, pero natutuwa ako sa sipag mo.

At sa dimples mo. Tanginang dimples iyan.

Kaya lang delikado ka. Ikaw ang dapat iniiwasan dahil sa natatagong kamandang. Hindi ka pang-boyfriend material. Kumbaga, fling-er lickin good ka lang, pero good nonetheless.

Hanggang sa nakahanap ako ng gwapo, ng totoong cute. Yung may abs.

Kaso tali na siya.

Tapos bigla kong nakita ang pamilyar mong dimples sa billboard.

_________________________________

Mula sa isang royal hugot