Pebrero Series: Backlog

May mga bagay na madaling balikan. Tulad ng goal ni Phil Younghusband noong isang taon at ang pagmumuni kung kailan naman ako makaka-goal patungo sa puso mo.

Mayroong ding mga bagay na pwedeng habulin. Parang enrollment na may late reg, or delayed Valentines day (with a bang), o ang 5-goal rally ng Loyola-Meralco Sparks sa 2nd half kontra sa Kaya-Cignal FC mula sa 0-3 grave na kinalagyan nila sa 1st half.

Pero mayroon talagang mga bagay na hindi madaling balikan, na hindi na kayang habulin. Dahil minsan, talagang huli na ang lahat, pagsamahin ko man sina Messi, Ronaldo, at Rooney sa iisang team para makuha ang pinaka-inaasam mong oo.

Bookmark the permalink.